Tindahan tinupok ng apoy sa Antipolo City

By Dona Dominguez-Cargullo August 07, 2019 - 06:45 AM

Sumiklab ang sunog sa isang abandonado nang tindahan sa Antipolo City sa Rizal.

Nagsimula ang sunog alas 12:30 ng madaling araw ng Miyerkules (Aug. 7).

Umabot lang sa unang alarma ang sunog.

Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP) ng Antipolo City, isang palaboy ang umokupa sa abandonadong tindahan.

Dahil walang kuryente ay gumagamit lang ito ng kandila, at maaring iyon ang pinagmulan ng sunog.

Tinatayang aabot sa P5,000 ang halaga ng pinsala ng sunog na naideklarang fire out ala 1:13 ng madaling araw.

TAGS: Antipolo, fire incident, Radyo Inquirer, Antipolo, fire incident, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.