Bagyong Hanna napanatili ang lakas; Habagat magpapaulan pa rin sa malaking bahagi ng Luzon

Napanatili ng Severe Tropical Storm Hanna ang lakas nito habang at huli itong namataan ng PAGASA sa layong 610 kilometers East ng Basco, Batanes.

Taglay ng bagyo ang lakas ng hanging aabot sa 110 kilometers bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 135 kilometers bawat oras.

Kumikilos ang bagyong Hanna sa direksyong West Northwest sa bilis na 10 kilometers bawat oras.

Nakataas ang signal number 1 sa Batanes at Babuyan Group of Islands.

Ngayong araw, sinabi ng PAGASA na makararanas pa rin ng malalakas na monsoon rains ang northern portions ng Palawan kabilang ang Calamian at Cuyo Islands, Occidental Mindoro, Oriental Mindoro, Romblon, Zambales, Bataan, Aklan, at Antique.

Maulap na papawirin naman na may kalat-kalat nap ag-ulan ang mararanasan sa Metro Manila, nalalabing bahagi ng Luzon, Central Visayas at Western Visayas.

Bukas ay magpapaulan pa rin ang Habagat sa northern portions ng Palawan (including Occidental Mindoro, Batangas, Cavite, Bataan, Zambales, at Ilocos Region.

Habang mahina hanggang katamtaman at kung minsan ay malakas na buhos ng ulan naman ang mararanasan sa Metro Manila, nalalabing bahagi ng Luzon, at sa Western Visayas.

Hindi naman na inaasahang tatama sa kalupaan ang bagyong Hanna at sa Biyernes ay lalabas na ito ng bansa.

Samantala ang tropical storm na may international name na Krosa ay huling namataan ng PAGASA sa layong 2,130 kilometers East ng Extreme Northern Luzon.

Hindi naman inaasahang papasok sa bansa ang nasabing bagyo.

Ang LPA naman na nasa kanlurang bahagi ng bansa ay huling namataan sa 270 kilometers West ng Dagupan City, Pangasinan at hindi naman inaasahang magiging isang ganap na bagyo.

Read more...