Tumama ang magnitude 3.5 na lindol sa Ilocos Norte kaninang alas 3:56 ng umaga.
Ayon sa Phivolcs, ang pagyanig ay nangyari sa Silangan ng bayan ng Adams.
Tectonic ang origin ng lindol na may lalim na 12 kilometers.
Naitala ng Instrumental intensity na Intensity I sa bayan ng Pasuquin.
Walang inaasahan ang Phivolcs na pinsala at aftershocks dahil sa lindol.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.