Panelo: Pang. Duterte okay ang kalusugan

By Len Montaño August 07, 2019 - 04:45 AM

Tiniyak ng Malakanyang na maayos ang kalusugan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, okay ang kalusugan ng Pangulo at katunayan ay nagmumura pa nga ito.

Pabirong sinabi ni Panelo na baka may sakit na ang Pangulo kapag hindi na ito nagmumura.

Ilang beses nang naging isyu ng estado ng kalusugan ng Pangulo.

Noong Mayo ay pinag-usapan ang kalusugan ng Presidente nang dumalo ito sa graduation ceremony ng Philippine Military Academy (PMA) Class of 2019.

Kapuna-puna na inaantok ang Pangulo sa naturang event.

Pero lagi namang pinabubulaanan ng Palasyo na may dapat ipag-alala sa kalusugan ng Pangulo.

 

TAGS: kalusugan, maayos, nagmumura, okay, PMA graduation, Presidential spokesman Salvador Panelo, Rodrigo Duterte, kalusugan, maayos, nagmumura, okay, PMA graduation, Presidential spokesman Salvador Panelo, Rodrigo Duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.