4 arestado sa buy-bust operation sa Maynila

By Rhommel Balasbas August 07, 2019 - 04:25 AM

Timbog ang isang dating baranggay tanod at tatlo pang lalaki sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya sa Sampaloc, Maynila.

Ayon kay Pol. Maj. Ramon Nazario ng Manila Police District Station 4, isinumbong sa kanila ang ginagawang bentahan ng droga sa isang bahay sa Lacson Street.

Dahil dito, ikinasa ang buy-bust operation laban sa suspek na nakilala sa alyas na ‘Pogi’.

Positibong nabilhan ang suspek at matapos ang transaksyon ay sinalakay ang bahay nito at dito na tumambad sa mga pulis ang tatlong lalaking naaktuhang gumagamit ng droga.

Kabilang sa mga naaktuhan ay dating baranggay tanod na nakulong na rin dati dahil pa rin sa droga.

Nakuhaan ang mga suspek ng 54.5 grams ng shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P132,000.

Mahaharap ngayon ang mga suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

 

TAGS: 4 arestado, buy bust, Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, dating baranggay tanod, manila, Manila Police District Station 4, Pogi, Sampaloc, 4 arestado, buy bust, Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, dating baranggay tanod, manila, Manila Police District Station 4, Pogi, Sampaloc

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.