DILG: Mga bakanteng lote dapat gawing parking lot

By Rhommel Balasbas August 07, 2019 - 04:19 AM

Hinimok ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang mga alkalde na gamitin ang mga bakanteng lote bilang parking lots upang makatulong sa pagpapagaan sa daloy ng trapiko.

Ayon kay DILG Undersecretary and spokesperson Jonathan Malaya, dapat makipag-ugnayan ang mga alkalde sa mga may-ari ng pribadong lote para gawin itong pay parking areas.

Isa umano itong ‘win-win solution’ dahil kikita na ang lot owners ay makatutulong pa ito sa local governments dahil mapapaluwag ang mga kalsada.

“A possible parking space negotiation with vacant landowners, if done properly, will be a great help in easing traffic and ridding streets of illegal parking,” ani Malaya.

Binanggit ni Malaya ang inisyatibo ni San Juan Mayor Francis Zamora na planong gawing parking spaces ang mga bakanteng lote na pagmamay-ari ng city government.

Nagpulong sina Malaya at Zamora kahapon, August 6, para maipakita ang mga programa ng San Juan City bilang pagtugon sa direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte na mabawi ang mga kalsada para sa public use.

Samantala, nanawagan si Malaya sa private landowners na tumulong sa gobyerno sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa LGUs para masolusyonan ang problema sa trapiko hindi lamang sa Metro Manila kundi sa buong bansa.

 

TAGS: bakanteng lote, daloy ng trapiko, DILG, parking lot, pay parking area, pribadong lote, San Juan Mayor Francis Zamora, Usec. Jonathan Malaya, Win-win solution, bakanteng lote, daloy ng trapiko, DILG, parking lot, pay parking area, pribadong lote, San Juan Mayor Francis Zamora, Usec. Jonathan Malaya, Win-win solution

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.