NHA: Temporary shelters para sa mga bakwit sa Marawi higit 50% nang tapos
Mahigit 50 percent nang tapos ang housing project ng National Housing Authority (NHA) para sa mga residenteng naapektuhan ng bakbakan sa Marawi City.
Ang NHA ay isa sa mga ahensya ng gobyerno na kabilang sa Task Force Bangon Marawi na responsible sa rehabitasyon ng lungsod.
Ayon kay Roderick Ibañez, project management head, higit sa 3,000 ng kabuuang 4,852 temporary shelters na ang naipamamahagi para sa mga bakwit.
Target na matapos ang natitirang bilang ng transition houses hanggang sa Disyembre ngayong taon.
Samantala, 2,000 permanent houses naman ang bubuoin ng San Miguel Corporation at nakatakdang matapos ang konstruksyon sa sa May 2020.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.