Bentahan ng prutas, matumal pa

By Ruel Perez December 28, 2015 - 07:27 AM

Kuha ni Ruel Perez
Kuha ni Ruel Perez

Hindi pa gaanong mabenta ang mga bilog na prutas na karaniwang inihahanda ng mga pamilyang Pilipino kapag sinasalubong ang Bagong Taon.

Kuha ni Ruel Perez
Kuha ni Ruel Perez

Sa kanto ng Abad Santos sa Divisoria Maynila, tumpok-tumpok ang bentahan ng mga bilog na prutas.

Kuha ni Ruel Perez
Kuha ni Ruel Perez

Sa ngayon hindi pa gaanong mahal ang presyuhan ng prutas.

Ang peras ay ibinebenta ng P50 kada apat na piraso, P100 naman ang bawat limang piraso ng maliliit na persimmon at tatlong piraso naman kapag malalaki, ang ubas na semi-seedles ay P140 ang kada kilo, P50 kada balot naman ng ponkan na may pitong laman at P35 naman ang kada pack ng kiat-kiat.

Kuha ni Ruel Perez
Kuha ni Ruel Perez

Ayon kay Alvin, isa sa mga may pwesto ng kariton sa kanto ng Abad Santos, wala pang masyadong bumibili ng prutas.

jakejm2005@yahoo.com
[email protected]

Pero bukas aniya, December 29, inaasahang mas dadagsa na ang mga mamimili ng prutas.

Tradisyon na ng mga pamilyang Pilipino na naghahanda ng 13 klase ng bilog na prutas sa pagsalubong ng Bagong Taon.

 

TAGS: Round fruits for New Year, Round fruits for New Year

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.