Mag-ina arestado sa buy bust sa Maynila

Timbog ang isang tindera sa palengke at anak nitong sales clerk sa anti-drugs operation sa Carriedo St., Manila.

Sa ginawang buy bust operation ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Martes ng gabi, nakumpiska sa mag-ina ang P680,000 na halaga ng droga.

Ayon sa PDEA, nakuha sa dalawang suspek ang mga resibo sa kanilang transaksyon o pagtutulak ng shabu.

Bukod sa mag-ina, naabutan sa operasyon ang isa pang anak ng ginang na suspek.

 

Read more...