Dangwa, pansamantalang isinara

By Rhommel Balasbas August 07, 2019 - 03:19 AM

Credit: Jayson Salvacion

Pansamantalang ipinasara ang Dangwa, ang sikat na bilihan ng bulaklak sa Maynila.

Hapon ng Martes ay ininspeksyon ni Manila Mayor Isko Moreno ang clearing operations sa lugar.

Ipinaliwanag ng alkalde sa mga vendors na kailangan lamang linisin ang drainage at lagyan ng aspalto ang kalsada.

Sakaling matapos na ang pagsasaayos sa Dangwa ay maaari na ulit itayo ng mga vendors ang kanilang mga tindahan.

Inaasahang matatapos sa loob ng dalawang araw ang isasagawang repair.

Hindi naman masama ang loob ng mga tindero at tindera at mainit na tinanggap si Moreno.

Ayon sa alkalde, nakatanggap ng ulat ang city hall na mapanganib sa pagbaha ang Dangwa.

 

TAGS: aspalto, bilihan ng bulaklak, clearing operation, Dangwa, drainage, lilinisin, Mayor Isko Moreno, pagbaha, repair, aspalto, bilihan ng bulaklak, clearing operation, Dangwa, drainage, lilinisin, Mayor Isko Moreno, pagbaha, repair

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.