SWS: Resulta ng May 2019 polls aprubado sa mayorya ng mga Pinoy

By Len Montaño August 07, 2019 - 03:14 AM

Clarize Austria File photo

Aprubado sa apat sa limang Pilipino ang ginawang halalan noong May 13 gayundin ang resulta nito.

Sa survey ng Social Weather Stations (SWS) na ginawa noong June 22 hanggang 26 at inilabas araw ng Martes, nasa 80 porsyento ng respondents ang sumang-ayon sa proseso at resulta ng May 13 elections.

Dagdag ng SWS, hindi naman aprubado sa 12 percent ng respondents ang natapos na eleksyon habang 7 percent ang walang pahayag o undecided.

Samanatala, sumang-ayon ang karamihan ng mga Pilipino na naging independent ang Commission on Elections (Comelec)

Kung “very good” ang classification sa tanong kung kuntento ba sa resulta ng eleksyon, “extremely strong” naman ang net agreement score kaugnay ng performance ng Comelec.

Tinanong din ang respondents kung kapani-paniwala ang resulta sa Senatorial elections noong Mayo at lumabas na 86 percent ang naniniwala.

Para naman sa mga tumakbong kongresista, gobernador at mayor, karamihan din ng mga Pinoy ang nagsabing kapani-paniwala ang resulta nito.

 

TAGS: aprubado, comelec, independent, kuntento, may elections, mayorya, resulta, sumang-ayon, survey, SWS, aprubado, comelec, independent, kuntento, may elections, mayorya, resulta, sumang-ayon, survey, SWS

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.