Mosquito fish nakikitang panlaban sa dengue

By Rhommel Balasbas August 07, 2019 - 02:29 AM

Ginagamit ngayon ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa Pangasinan ang mosquito fish o mas kilala sa pangalang ‘itar’ o ‘kataba’ bilang panlaban sa pagdami ng mga lamok.

Ang hakbang ay sa gitna ng patuloy na pagtaas ng kaso ng dengue sa bansa.

Ayon kay BFAR-Dagupan chief Director Westley Rosario, kinakain ng mosquito fish ang mosquito larvae o ang mga kiti-kiti.

Ang naturang isda na lumalaki hanggang pitong sentimetro ay kayang mabuhay sa malinis man o maruming tubig kaya pwede itong mailagay sa mga kanal o estero.

Paliwanag ni Rosario, dinala ng mga Amerikano sa bansa ang mosquito fish sa panahon ng giyera at ginamit ang mga ito sa higit 30 bansa noong 1920s para labanan naman ang isa pang mosquito borne disease na ‘malaria’.

Iginiit ni Rosario na mas mababa ang kaso ng dengue sa Pangasinan kumpara sa ibang lugar sa Visayas at Mindanao.

Maaari anyang ang dahilan nito ay dahil sa paglalagay ng mosquito fish sa mga kanal ng mga eskwelahan sa Dagupan, Calasiao, Mangaldan, Malasiqui, San Fabian at iba pa.

Sa ngayon, nakikipag-ugnayan na ang Department of Education (DepEd) sa BFAR sa panukalang magamit ang mosquito fish sa mga kanal at drainage sa mga paaralan.

Ayon kay Rosario, hindi na dapat pang hintayin na maging ganap na lamok ang kiti-kiti at mangagat ng tao at dapat mapuksa na ang mga ito habang nasa larvae stage pa.

Samantala, welcome naman sa Department of Health (DOH) ang paggamit ng mosquito fish.

Gayunman, ayon kay Health Usec. Eric Domingo, kailangan pa itong pag-aralan kasama ang Department of Science and Technology (DOST).

Nagdeklara na ang DOH ng national dengue epidemic kahapon, araw ng Martes matapos umakyat sa 146,062 ang kaso ng dengue sa bansa mula January 1 hanggang July 2020.

 

TAGS: BFAR, Dagupan, Dengue, DepeEd, doh, DOST, drainage, itar, kanal, kataba, kiti kit, malaria, mosquito fish, national dengue epidemic, panlaban, BFAR, Dagupan, Dengue, DepeEd, doh, DOST, drainage, itar, kanal, kataba, kiti kit, malaria, mosquito fish, national dengue epidemic, panlaban

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.