Duterte: Gilas walang tsansa sa Italy sa Fiba World Cup; pumusta na lang sa China

By Chona Yu August 07, 2019 - 01:15 AM

Aminado si Pangulong Rodrigo Duterte na walang pag-asa ang Gilas Pilipinas na manalo kontra sa Italy sa Fiba World Cup sa China.

Ayon sa Pangulo, magtutungo siya sa China para panoorin ang laban ng Pilipinas.

Pero malabo aniyang manalo ang Gilas dahil malalaki ang mga manlalaro ng Italy.

Pabiro pang sinabi ng Pangulo na mas makabubuting pumusta na lamang sa China.

Sa ikalawang laro ng Gilas, kumpiyansa ang Pangulo na tatalunin ng Pilipinas ang Angola.

Sinabi pa ng Pangulo na kaya pa ng Pilipinas na ilibing ng buhay ang Angola.

Dagdag ng Pangulo, ang Bise Presidente ng China ang sasama sa kanya sa panonood sa laban ng Gilas Pilipinas

Ito ay kahit labag aniya sa protocol ng China na sumama sa kanya ang Bise Presidente para manood ng basketball.

 

TAGS: Angola, China, Fiba World Cup, Gilas Pilipinas, italy, Pangulong Rodrigo Duterte, pumusta, walang pag-asa, Angola, China, Fiba World Cup, Gilas Pilipinas, italy, Pangulong Rodrigo Duterte, pumusta, walang pag-asa

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.