Paggamit ng video call sa hearing ng mga piling suspek, pinayagan ng SC
Pinahintulutan na ng Korte Suprema ang paggamit ng video conferencing technology o video call sa pagdinig ng mga kaso ng mga piling suspek.
Sa resolusyon ng Supreme Court en banc, pinapayagan na ang pagbibigay ng testimoniya ng ilang preso sa pamamagitan ng video call.
Ayon sa kataas-taasang hukuman, ang paggamit ng bagong teknolohiya ay upang masiguro ang seguridad at kaligtasan ng mga dadalo sa pagdinig.
Kabilang sa mga preso na maaaring pagamitin ng video call ay ang mga ikinokonsiderang high-security risk o kung mayroong malubhang sakit.
Bukod dito, maaari ring gamitin ang electronic testimony ng mga nakalaya ng preso ngunit kinakailangang humarap pa rin sa korte.
Bagamat tatanggapin na ang ganitong uri ng testimonya, nararapat pa rin umano na maging presentable ang haharap at parang nasa loob pa rin ng korte.
Sa tulong ng mga penal institutions sa mga lungsod ng Bicutan at Muntinlupa, uumpisahang subukan ang bagong polisiya sa mga hukuman sa Davao City.
Noong 2001, pinahintulutan na rin ng Korte Suprema ang paggamit ng video-conferencing sa pagdinig sa kaso na mga menor de edad ang nagbigay ng testimonya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.