Julia Barretto sinisi si Bea Alonzo dahil sa pagsira sa kanya ng mga tao

Julia Barretto IG

Matapos manahimik nagsalita na rin si Julia Barretto sa pagka-ugnay niya sa hiwalayang Bea Alonzo at Gerald Anderson.

Sa kanyang Instagram ay nagpost si Julia ng throwback picture nila ni Bea na may kasamang mahabang pahayag para sa aktres, kay Gerald at dating boyfriend na si Joshua Garcia.

Ayon kay Julia, ang unang post ni Bea ay nagresulta para sirain siya ng mga tao.

Ito ay patungkol sa post ni Bea na nagpapahiwatig ng pagtataksil na sinundan ng paglutang ng larawan nina Julia at Gerald sa isang birthday party.

Sinabi ni Julia na ginawa ni Bea na “national concern” ang breakup nila ni Gerald.

Nagmalinis anya si Bea pero nagawa nito na sirain siya ng mga tao.

“Your heartbreak should have been a private matter, but you have selfishly turned it into something of national concern…Bea, you wanted to keep your hands clean by not mentioning me in your controversial post, but with a click of your finger, in your sly way, you have charged everybody to destroy me FOR YOU…You have encouraged a culture of hate by purposely liking harmless photos, putting malice into the minds of many, which resulted in the outrage of insults against me,” ani Julia.

Iginiit ni Julia na dapat ginamit ni Julia ang impluwensya nito sa pagsusulong ng lakas ng mga kababaihan imbes na ang anyay iresponsableng paggamit ng social media.

“You are a woman of great influence and following. You could have used that power to promote strength and grace in women, but instead you’ve used that to promote social media irresponsibility. That is downright bullying…You can play victim all you want, but I refuse to be your victim,” dagdag ng aktres.

Nilinaw naman ng aktres na 4 na buwan na silang hiwalay ni Joshua at pareho nilang sinabi na hindi third party ang dahilan kaya hindi umano pagtataksil anuman ang gawin niya ngayon sa kanyang pribadong buhay at love life.

Binanggit din nito ang sinabi ni Gerald na walang sinuman na dahilan ng breakup nila ni Bea kaya ayaw umano ni Julia na makisawsaw sa isyu.

Sa huli ay sinabi ni Julia na hindi siya maaapektuhan ng paghusga at opinyon ng mga tao ukol sa kanya.

“For the longest time, I’ve always dealt with everything in silence, but this time I am forced to grow up…I will not be sidetracked, derailed, and be dictated by people’s judgements and opinions about me. This is me setting myself free and getting my soul back.”

Read more...