5 menor de edad nailigtas, 13 katao arestado sa operasyon sa Cebu City
Nailigtas ng mga otoridad ang limang menor de edad habang arestado ang 13 katao sa pinagsanib na operasyon sa Barangay Banilad, Cebu City Martes ng hapon.
Kabilang sa mga hinuli ang dalawang nagbebenta ng solvent sa mga menor de edad at 11 na naaktuhan sa pot session.
Ang operasyon ay isinagawa ng Mabolo, Talamban at Guadalupe Police Stations alinsunod sa kampanya ng Cebu City Police Office laban sa mga nagsu-supply ng solvent sa mga menor de edad.
Ayon kay Police Captain Dexter Basirgo, ililigtas lamang nila ang mga kabataan na nagra-rugby nang makita nila ang mga nasa pot session.
Arestado ang mag live-in partner na sina Sherwin Batiancila at Jomelyn Otacan Aroza na nagbebenta ng solvent sa mga kabataan.
Nabatid na ginagawa ang bentahan sa ilalim ng tulay at nang inspeksyunin ang lugar ay naroon ang limang menor de edad at 11 katao na nasa pot session.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.