Meralco may bawas-singil sa kuryente ngayong Agosto

Magpapatupad ng bawas-singil sa kuryente ang Meralco ngayong buwan ng Agosto.

Base sa abiso ng Meralco, nasa P0.42 kada kilowatt hour (kWh) ang maasahang pagbaba sa bayad ng kanilang consumers.

Dahil ito sa mas mababang generation charge o halaga ng kuryente na binibili ng kumpanya sa spot market.

Ito ay katumbas ng P83.00 na bawas para sa mga kabahayang may konsumo na 200 kWh, P125.00 sa 300 kWh, P167.00 sa 400 kWh, at P209.00 sa 500 kWh.

Mula noong Mayo ay may bawas-presyo sa kuryente ang Meralco at aabot na sa halos P1 kada kWh ang naging bawas-singil sa bill sa loob ng apat na buwan.

Read more...