“4 o’clock habit” ipantatapat ng DOH sa dengue

By Clarize Austria August 06, 2019 - 07:28 PM

CDN file photo

Muling hinimok ng Department of Health o DOH ang mga local government units, mga komunidad, at maging ang pribadong sektor na makilahok sa ‘4 o’clock habit’ na isang paglilinis upang mabawasan ang lumulobong kaso ng dengue sa bansa.

Kasunod ito ng dekarasyon ni Health Secretary Francisco Duque ng national dengue epidemic kaninang hapon.

Ayon kay Duque, mahalaga na maideklara ang national epidemic sa mga lugar na malaki ang bilang ng mga biktima ng dengue para malaman kung saan kailangang rumesponde.

Kasalukuyang may ginagawang pag-aaral sa mga paraan upang masugpo ang pinamamahayan ng mga lamok na nagdudulot ng dengue.

Kabilang aniya dito ang mga pellets na natutunaw sa tubig na umaakit sa dengue carrier na lamok saka papatayin ang mga ito.

Pinopondohan na rin anila ang vecto control study sa INDAY track na isang automated mechanism na nagkakalat ng insecticides para sa mga lamok na may dengue.

Nakapagtala na ang DOH ng 146,062 na kaso ng dengue simula Enero hanggang Hulyo pa lamang ngayong taon.

TAGS: Dengue, doh, duque, Dengue, doh, duque

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.