Arbitral ruling igigiit ni Duterte sa pulong kay Xi Jinping sa China

By Chona Yu, Den Macaranas August 07, 2019 - 04:00 AM

Personal na tatalakayin ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang pakikipagpulong kay Chinese President Xi Jinping ang desisyon ng international tribunal sa isyu ng agawan ng teritoryo sa West Philippine Sea.

Naging paborable sa bansa ang nasabing desisyon na kumikilala sa karapatan ng bansa sa ilang pinag-aagawang mga isla.

Sa pulong balitaan sa Malacanang, sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na mismong ang pangulo ang nagsabi sa naturang plano sa ginanap na cabinet meeting sa Malacanang kagabi.

“There will be a time that I will invoke the arbitral ruling. This is the time,” ayon sa pangulo base sa pahayag ni Panelo.

Pati ang nangyaring insidente sa Recto Bank noong June 9 kung saan ay binanggay ng isang malaking Chinese fishing vessel ang bangka ng mga mangisngisdang Pinoy ay tatalakayin rin sa pulong ng dalawang lider ayon pa sa kalihim.

Magugunitang pinaboran ng Permanent Court of Arbitration noong July, 2016 ang bansa sa isyu ng agawan ng teritoryo pero pansamantalang hindi isinulong ng administrasyong Duterte ang isyu sa China.

Ngayong buwan ng Agosto ay muling pupunta sa China si Duterte para makapulong ang pangulo ng China.

Narito ang bahagi ng pahayag ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo:

TAGS: China, duterte, panelo, permanent court of arbitration, Xi Jinping, China, duterte, panelo, permanent court of arbitration, Xi Jinping

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.