Visa requirement sa mga Chinese na papasok sa bansa aprubado na ni Pangulong Duterte

By Chona Yu August 06, 2019 - 12:56 PM

Aprubado ni Pangulong Rodigo Duterte ang panukala ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr., na gawing requirement na sa mga Chinese ang pagkuha ng Philippine visa bago makapasok sa bansa.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, inaprubahan ng pangulo ang rekomendasyon ni Locsin sa 40th cabinet meeting kagabi sa Malakanyang.

Sa panukala ni Locsin, lalagyan na ng Philippine Visa ang pasaporte ng mga Chinese sa halip na ilagay lamang sa isang pirasong papel.

Ayon kay Panelo, tiniyak naman ni Justice Secretary Menardo Guevarra na mahigpit na babantayan ng Department of Justice (DOJ) ang mga turistang Chinese na nananatili sa bansa.

Iginiit aniya ni Guevarra na paiigtingin ng Bureau of Immigration ang immigration laws sakaling overstaying na ang mga Chinese sa Pilipinas.

TAGS: Chinese Nationals, passport, philippines, tourist visa, visa for chinese, Chinese Nationals, passport, philippines, tourist visa, visa for chinese

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.