Transwoman itinampok sa catalog ng Victoria’s Secret

By Jimmy Tamayo August 06, 2019 - 12:52 PM SHARE(S):

Sa unang pagkakataon, tampok ang isang transgender woman sa photo catalog ng sikat at nangunguna lingerie brand sa Amerika na Victoria’s Secret.

Kinuha ng kompanya ang Brazilian model na si Valentina Sampaio para sa kanilang athletic line.

Sa kanyang Instagram account, ibinahagi ni Sampaio ang isang video na nilagyan niya ng caption na “Never stop dreaming.”

Noong nakaraang taon lang, binatikos ang pahayag ng chief marketing office ng kompanya nang sabihin nito na hindi sila interesado na kumuha ng transgender models.

Kalaunan ay humingi siya ng paumanhn sa kanyang pahayag.

Umani naman ng positibong reaksyon ang pagkuha ng VS kay Sampaio.

TAGS: Radyo Inquirer, transwoman, vicotria's secret, Radyo Inquirer, transwoman, vicotria's secret

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.