Rido itinuturong ugat ng pananambang sa 3 miyembro ng MILF sa North Cotabato

Patay ang tatlong miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) makaraang tambangan sa Pikit, North Cotabato Lunes ng hapon.

Ayon sa Pikit police, nangyari ang ambush bandang 3:30 ng hapon sa Sitio Dingaya sa Barangay Bulol.

Kinilala ang mga nasawi na sina Unday Abdulkadir, 29-anyos, Mohamed Ahad, 28 anyos at isang Maan Pananggilan, 32 anyos na mga residente ng Barangay Rajamuda at pawang miyembro ng MILF habang may dalawa pa ang sugatan sa insidente.

Lumalabas sa imbestigasyon na galing ng Barangay Lagunde ang mga biktima sakay ng motorsiklo at pauwi na sa kanilang tahanan ng pagbabarili ng apat na kalalakihan.

Hinihinalang rido ang ugat ng pamamaslang.

Read more...