MOU sa joint exploration sa West PH Sea maaring matalakay sa pagbisita ni Pangulong Duterte China

By Chona Yu August 06, 2019 - 11:32 AM

Hindi isinasantabi ng Malakanyang na talakayin sa bilateral talks nina Pangulong Rodigo Duterte at Chinese President Xi Jinping ang memorandum of understanding para sa panukalang joint exploration ng dalawang bansa sa West Philippine Sea.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, sa ngayon hinihintay na lamang ng Palasyo ang report ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin kung ano ang pinal na agenda sa pagpupulong nina Pangulong Duterte at President Xi.

Nakatakdang magtungo sa China si Pangulong Duterte ngayong buwan ng Agosto para sa isang working visit.

Ito na ang ikalimang pagkakataon na bibisita si Pangulong Duterte sa China.

Una rito sinabi ni Energy Sec. Alfonso Cusi na sinusubukan na ng China at Pilipinas na bumalangkas ng Framework para sa joint exploration sa disputed waters sa buwan ng Nobyembre.

TAGS: 5th visit in china, president duterte, Radyo Inquirer, West Philippine Sea, working visit, Xi Jinping, 5th visit in china, president duterte, Radyo Inquirer, West Philippine Sea, working visit, Xi Jinping

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.