Inflation rate bababa pa sa susunod na mga buwan – BSP

Posibleng lalo pang bumaba ang inflation rate na maitatala sa susunod na mga buwan.

Pahayag ito ng Bangko Sentral ng Pilipinas makaraang pumalo lamang sa 2.4 percent ang inflation rate para sa nagdaang buwan ng Hulyo.

Ayon sa BSP, ang 2.4 percent na naitala noong nagdaang buwan ay consistent sa kanilang assessment na bababa pa ang inflation sa 3rd quarter ng taon.

Sinabi ng BSP na nakatulong sa pagbagal ng pagsipa ng presyo ng mga produkto ang sapat nang suplay ng pagkain.

Partikular na dito ang pagkakaroon na ng sapat na suplay ng bigas.

Read more...