Problema sa pinansyal maaring motibo sa pagpatay ng padre de pamilya sa kaniyang mag-iina sa Parañaque

By Dona Dominguez-Cargullo August 06, 2019 - 10:39 AM

Problemang pinansyal ang maaring dahilan ng pagpatay ng isang padre de pamilya sa kaniyang asawa at dalawang anak sa Paranaque City.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Parañaque Chief of Police Police Colonel Rogelio “Jojo” Rosales, malinaw na ang padre de pamilya ang nasa likod ng pamamaslang at pagktapos ay nagpakamatay ito.

Wala kasing forced entry na nakita sa bahay at inutusan pa ng lalaki ang kanilang kasambahay na bumili sa isang supermarket bago gawin ang krimen.

Ayon kay Rosales, sumailalim sa bypass operation ang lalaki at nawalan ng trabaho dahil sa kaniyang sakit.

Maari aniyang nawalan ito ng self-esteem lalo at nananatiling nagtatrabaho para sa pamilya ang kaniyang misis.

Ang mag-iina ay natagpuang walang buhay kahapon araw ng Lunes sa iba’t ibang bahagi ng kanilang bahay, at natagpuan ding walang buhay ang padre de pamilya.

TAGS: crime, paranaque city, police report, crime, paranaque city, police report

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.