6 pang Pinoy inilikas sa Libya

Anim na Pinoy pa at isang Thai national ang inilikas sa Libya.

Ayon sa Philippine Embassy sa Tripoli, Martes (Aug. 6) ng umaga ay patungo na ng Tunisia ang anim.

Sa kabuuan ay umabot na sa 99 ang bilang ng mga Pinoy na nag-avail ng repatriation program ng pamahalaan.

Ito ay simula nang sumiklab ang kaguluhan sa Libya.

Ang Thai national na kasamang inilikas ay mister ng isang Pinay.

Maliban sa anim, mayroon pang tatlong Pinoy na humiling na magpasailalim sa repatriation at sa ngayon ay pinoproseso na ang kanilang exit visas.

Read more...