Ilang flights patungo at galing Hong Kong suspendido pa rin

By Dona Dominguez-Cargullo August 06, 2019 - 10:07 AM

Nananatiling suspendido ang ilang biyahe ng eroplano mula at patungong Hong Kong.

Sa abiso ng Manila International Airport Authority (MIAA), nananatiling suspendido ang biyahe ng Cathay Pacific:

CX 912 MNL-HKG
CX 976 MNL-HKG
CX 939 HKG-MNL

Samantala, nagpa-abiso naman ang Philippine Airlines na lahat ng kanilang biyahe patungo at galing ng Hong Kong ay balik normal na ngayong araw.

Ito ay dahil wala na umanong protestang nagaganap sa Hong Kong Airport.

Ayon sa PAL patuloy nilang imomonitor ang sitwasyon at agad maglalabas ng update sakaling may pagbabago sa sitwasyon.

 

TAGS: cancelled flights, cathay pacific, PAL, philippine airlines, travel to hong kong, cancelled flights, cathay pacific, PAL, philippine airlines, travel to hong kong

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.