WATCH: Deployment ban sa Hong Kong pinag-aaralang ipatupad – DOLE

By Dona Dominguez-Cargullo August 06, 2019 - 09:53 AM

Pinag-aaralan na ng Department of Labor and Employement (DOLE) ang pagpapatupad ng deployment ban sa Hong Kong sa gitna ng kaguluhang nararanasan doon.

Sa panayam sa Radyo Inquirer, sinabi ni Labor Sec. Silvestret Bello, makikipagpulong siya sa OFW Organization ngayong araw para hingin ang panig ng mga ito sa posibleng pagpapatupad ng deployment ban sa Hong Kong.

Ikokonsidera din ayon kay Bello ang posisyon ng Department of Foreign Affairs (DFA) dahil ang nasabing ahensya naman ang nagdedeklara ng alert level sa isang lugar na may kaguluhan at maaring makaapekto sa mga OFW.

Sa ngayon ani Bello, wala pang itinataas na alert level ang DFA sa Hong Kong.

Sakaling maipatupad ang deployment ban ay hindi muna papayagan ang mga Pinoy na bumiyahe sa Hong Kong para na rin sa kanilang kaligtasan.

Ayon kay Bello sa abiso na inilabas ng DOLE at DFA pinaiiwas na ang mga Pinoy sa mga lugar na mayroong nangyayaring kaguluhan upang hindi sila madamay.

Pinaiiwas din muna sila sa pamamasyal at manatili lamang sa lugar ng kanilang pinagtatrabahuhan at sa kanilang bahay.

TAGS: deployment ban, HOng Kong Protest, Radyo Inquirer, deployment ban, HOng Kong Protest, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.