Public executions, gustong isulong ni Duterte

 

Inquirer file photo

Bitay sa mga pampublikong lugar ang ipapataw na parusa sa mga kriminal ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte.

Ito ay kung papalarin si Duterte na manalong pangulo ng bansa sa 2016 elections. Ayon kay Duterte, ibabalik niya ang parusang death penalty sa bansa para masugpo ang korupsyon, ilegal na droga, at iba pang uri ng kriminalidad.

Sinabi ni Duterte na nalugmok na ang Pilipinas sa kriminalidad at naging national threat na ang ilegal na droga.

Dagdag ng alkalde, hindi siya mag-aatubili na gamitin ang Armed Forces of the Philippines, Philippine National Police maging ang extraordinary power ng pangulo para matuldukan ang kriminalidad.

Read more...