WATCH: Pinoy na napagbintangang kasama sa protesta sa Hong Kong tinutulungan na ng pamahalaan
May dalawang abogado nang umaasiste sa Overseas Filipino Worker na naaresto sa Hong Kong matapos mapagkamalang kasama ng mga nagpoprotesta.
Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Labor Sec. Silvestre Bello III na dalawang abogado ang tumutulong kay Jethro Pioquinto, 36 anyos.
Isa dito ay galing sa organisasyon ng mga OFW sa Hong Kong at ang isa ay mula sa embahada ng Pilipinas.
Si Pioquinto ay napaghinalaan ng mga otoridad sa Hong Kong na kasama ng mga nagpoprortesta.
Ani Bello, maayos naman ang kalagayan ng nasabing Pinoy, pero hindi pa tiyak kung makalalaya ito o mananatili sa kulungan.
Muli namang pinayuhan ni Bello ang mga Pinoy sa Hong Kong na maging maingat at iwasan ang pagsusuot ng itim o puti na damit.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.