Naitalang inflation para sa buwan ng Hulyo bumaba pa sa 2.4%
Bumagal pa ang paglobo ng halaga ng serbisyo at mga pangunahing produkto sa nakalipas na buwan ng Hulyo.
Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), bumaba sa 2.4% ang inflation rate noong Hulyo.
Mas mababa pa kumpara sa 2.7% noong Hunyo.
Higit na mas mababa ang datos kumpara sa 5.7 percent na inflation rate noong July 2018.
Ayon sa PSA, ito na ang pinakamababang inflation na naitala simula noong January 2017.
Pasok rin ito sa target ng Bangko Central ng Pilipinas na 2% hanggang 2.8%.
Top contributor sa overall inflation para sa buwan ng Hulyo ang Food and Non-Alcoholic Beverages.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.