LOOK: Dalawang Chinese arestado sa reckless driving at panunuhol sa mga pulis sa Maynila

By Dona Dominguez-Cargullo, Ricky Brozas August 06, 2019 - 08:52 AM

Arestado ang dalawang Chinese nationals matapos tangkang suhulan ang mga pulis ng Sampaloc Police Station sa Maynila makaraan silang hulihin dahil sa reckless driving.

Nagpapatrulya sa lugar si Pol. Cpl. Mike Purisima at isa pa niyang kasamang pulis nang makita ang kotse na mabilis ang patakbo at paliko-liko.

Nang parahin ay hindi pa huminto ang kotse kaya hinabol pa ito ng mga pulis.

Nang huhulihin na, naglabas ng pera ang babaeng driver ng kotse na nagkakalahaga ng mahigit P4,000.

Isa pang Chinese na lalaki naman ang sakay din ng kotse.

Kinilala ang dalawa na sina Bae Lu, 29-anyos at Jason Lim, 30-anyos.

Ayon sa mga pulis, kapwa nakainom ang dalawa na napag-alamang magkasintahan.

Ayon kay Police Captain Edwin Fuggan, Lacson PCP Commander, mga kasong reckless driving, driving under the influence o drunk driving, corruption of public officer dahil sa panunuhol at driving without license ang isasampa sa dalawa.

TAGS: arrested, Chinese Nationals, manila, reckless driving, arrested, Chinese Nationals, manila, reckless driving

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.