Case build-up sa pagpatay sa vice chairman ng Partido ng Mangagawa sa Cavite iniutos ng DOJ

August 06, 2019 - 08:40 AM

Inatasan ni Justice Secretary Menardo Guevarra ang mga piskal sa Department of Justice (DOJ) na magsagawa ng masusing imbestigasyon at case build-up sa pagpatay kay Dennis Sequena na vice chairman ng Partido Manggagawa.

Sinabi ni DOJ spokesman, Undersecretary Markk Perete na bumubo na si Secretary Guevarra ng Special Investigating Team para sa tumutok sa pagpatay kay Sequena.

Ang vice chairman ng Partido Manggagawa ay binaril ng riding-in-tandem noong June 2 sa Tanza Cavite.

Sa ilalim ng administrative order number 35, naatasan ang DOJ at iba pang ahensya na imbestigahan ang pamamaslang sa mga miembro ng mga progresibong grupo.

TAGS: department of justice, partido manggagawa, Radyo Inquirer, department of justice, partido manggagawa, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.