Batanes at Surigao Del Sur niyanig ng lindol
Niyanig ng magnitude 3.5 na lindol ang lalawigan ng Batanes.
Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 14 kilometers Northeast ng bayan ng Itbayat, alas-2:34 umaga ng Martes (August 6) at may lalim na 18 kilometers.
Ang pagyanig ay aftershock ng malalakas na lindol na yumanig sa Batanes noong July 27, 2019.
Samantala, niyanig naman ng magnitude 3.0 na lindol ang lalawigan ng Surigao Del Sur.
Naitala ang pagyanig sa 2 kilometers Northwest ng bayan ng Carmen, alas-2:53 ng umaga at may lalim na 136 kilometers.
Tectonic ang origin ng dalawang pagyanig.
Wala namang naitalang pagkasira sa mga ari-arian, intensities at aftershocks.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.