Fil-Am mail bomber hinatulang makulong ng 20 taon sa Amerika

By Dona Dominguez-Cargullo August 06, 2019 - 08:07 AM

Hinatulan ng 20 taon na pagkakabilanggo ang isang Filipino-American sa Florida dahil sa pagpapadala nito ng mail bomb sa mga kritiko ni US President Donald Trump.

Guilty ang hatol ni US District Judge Jed Rakoff kay Cesar Sayoc, 57 anyos.

Si Sayoc ay nauna nang naghain ng guilty plea sa korte noong Marso sa kasong using weapons of mass destruction at iba pang krimen.

Inaresto si Sayoc dahil sa pagpapadala ng mail bom sa mga kilalang kritiko ni Trump.

Hindi naman kumbinsido ang prosekusyon sa naging hatol ng korte.

Nais sana ng prosekusyon na habambuhay na pagkakabilanggo ang maging hatol sa Fil-Am.

TAGS: Fil Am, mail bomber, US, Fil Am, mail bomber, US

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.