4 na babaeng Chinese nationals na nambugaw sa mahigit 30 kapwa nila Chinese kinasuhan na

CDND Photo
Ipinagharap na ng kasong pagbalag sa anti-trafficking ang apat na babaeng Chinese nationals na naaresto ng mga otoridad sa Lapu-Lapu City.

Sa isinagawang operasyon ng National Bureau of Investigation Central Visayas Region Office (NBI-7) nailigtas ang 34 na pawang mga Chinese women sa isang KTV Bar sa Barangay Agus.

Kinilala ang walong dayuhang suspek na sina Zeng Dan, 28 anyos; Quan Yiqing, 27 anyos; Xiuzhu Wei, 45 anyos; at Xiushen Wei, 44 anyos.

Ang apat umano ang tumatayong managers ng 34 na mga babae nailigtas sa operasyon.

Kasong paglabag sa Republic Act 9208 o Anti-trafficking of Persons Act, in relation to Republic Act 10364 o Act Expanding RA 9208 ang kinakaharap ng mga dayuhan.

Apat na iba pang babaeng Chinese din na kinilalang sina Lingyuan Hunag, Xiabing Lin, Zhang Yue, at Li Ping ang pinaghahanap pa ng mga otoridad.

Hindi sila nadatnan sa bar nang isagawa ang operasyon.

Ang 34 na nailigtas ay naiturn over na sa Chinese Consular Office.

Ayon kay NBI 7 Regional Director Tomas Enrile, base sa imbestigasyon, ang mga nailigtas na dayuhan ay nasa pagitan ng edad 25 hanggang 30.

Ni-recruit sila para magtrabaho sa Legal Online Gaming Operation (LOGO) dito sa bansa.

Pero pinagtrabaho sila bilang Guest Relations Officers (GRO) sa KTV bar.

Read more...