Lalaki arestado sa ilegal na droga at pag-iingat ng armas sa Antipolo

By Dona Dominguez-Cargullo August 06, 2019 - 06:36 AM

Arestado ng mga tauhan ng Antipolo City Police Station ang isang lalaki dahil sa pag-iingat ng armas at mga bala.

Ikinasa ang operasyon sa Sito Broadway, Barangay Dela Paz.

Isinilbi ng mga tauhan ng Drugs Enforcement Team Operatives at SWAT ang Search Warrant laban kay Bryan De Paz alyas Bryan dahil sa kasong paglabag sa RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.

Nakuha mula sa suspek ang 19 na piraso ng maliliit na sachet ng hihinalang shabu na tinatayang 30 gramo at aabot sa mahigit P200,000 ang halaga.

Nakuha din sa kaniya ang isang 357 Magnum Revolver na may dalawang bala, isang magazine para sa caliber 45 na may anim na mga bala.

Nakakulong ngayon ang suspek sa Antipolo City police station.

TAGS: Antipolo, Barangay Dela Paz, PNP, SWAT, War on drugs, Antipolo, Barangay Dela Paz, PNP, SWAT, War on drugs

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.