Oriental Mindoro patuloy na inuulan
Simula kahapon ay patuloy na nakararanas ng malakas na buhos ng ulan ang lalawuigan ng Oriental Mindoro.
Sa heavy rainfall warning na inilabas ng PAGASA, alas 4:30 ng umaga ng Martes (Aug. 6) muling itinaas ang orange rainfall warning sa Oriental Mindoro at sa Northern portion ng Palawan.
Yellow warning naman ang nakataas sa nalalabi pang bahagi ng Palawan.
Babala ng PAGASA, ang mga apektadong lugar ay maaring makaranas ng pagbaha at landslides.
Pinayuhan ng PAGASA ang publiko na imonitor ang sitwasyon at mag-antabay sa susunod na abiso ng PAGASA.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.