Joint military exercises ng US, SoKor umarangkada na sa kabila ng banta ng NoKor

By Rhommel Balasbas August 06, 2019 - 04:46 AM

AP photo

Sinimulan na ng Estados Unidos at South Korea ang kanilang joint military exercises araw ng Lunes.

Ito ay sa kabila ng banta ng North Korea na ang war games ay magbabasura sa nuclear negotiations sa pagitan ng Washington at Pyongyang.

Ayon sa isang South Korean defense ministry official, layon ng joint drills na maberipika ang kakayahan ng Seoul sa wartime operational control.

Inaasahang tatagal hanggang August 20 ang joint drills kung saan kabilang sa gagawin ay computer-simulated scenarios taliwas sa mga isinagawa noong mga nakaraang taon.

Ang military exercises ng South Korea at US ay naganap din ilang araw lang matapos ang serye ng pagpapakawala ng short-range projectiles ng North Korea.

 

TAGS: joint exercises, military exercises, north korea, short-range projectiles, south korea, US, joint exercises, military exercises, north korea, short-range projectiles, south korea, US

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.