Nanay, 2 anak, pinatay ng sariling padre de pamilya sa Parañaque

By Rhommel Balasbas August 06, 2019 - 04:34 AM

Patay ang isang nanay at dalawa nitong anak sa pamamaril ng sariling asawa sa loob mismo ng kanilang bahay sa Brgy. San Isidro, Parañaque City.

Ayon sa testimonya ng tanod ng baranggay na rumesponde sa insidente na si Allan Felicilda, natagpuan ang bangkay ng mga biktima sa iba’t ibang bahagi ng kanilang bahay.

Nakita ang mga bata sa sala at sa loob ng kwarto habang ang kanilang ina ay sa loob ng kotse natagpuan.

Sinabi umano ng katulong ng pamilya na pinabili siya ng pagkain ng tatay at pagkabalik ng bahay ay hindi na siya makapasok dahil nai-lock na ito.

Saktong dumating din ang lola ng mga bata at nakita ang bangkay ng kanyang mga apo.

Samantala, natagpuan ding wala nang buhay ang tatay sa loob ng kwarto katabi ang isa sa mga anak.

Hinihinalang nagbaril sa sarili ang tatay matapos patayin ang kanyang pamilya.

Iniimbestigahan ng pulisya ang motibo ng tatay sa pagpatay sa sarili nitong mag-anak.

 

TAGS: 2 anak, nagpakamatay, nanay, padre de pamilya, pamilya, Paranaque, patay sa pamamaril, pinatay, 2 anak, nagpakamatay, nanay, padre de pamilya, pamilya, Paranaque, patay sa pamamaril, pinatay

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.