Duterte nag-aalala sa posibleng pag-atake ng ISIS; nananalanging maiadya ang Pilipinas

Nagpahayag ng pagkabahala si Pangulong Rodrigo Duterte sa posibleng pag-atake ng Islamic State of Iraq and Syria (ISIS) sa Pilipinas.

Sa talumpati sa oath-taking ng bagong talagang government officials sa Malacañang araw ng Lunes, sinabi ng pangulo na nagbibigay kaba sa kanya ang ISIS.

“Meron po akong ISIS at ito yung nagbibigay sa akin ng kaba talaga,” ayon sa pangulo.

Ayon kay Duterte, taimtim niyang iniluluhod at ipinagdarasal sa Diyos na maiadya ang Pilipinas sa anumang uri ng karahasan ng teroristang grupo.

Sa Iraq at Syria anya ay maraming inosenteng tao ang nabibiktima ng terorismo na ayaw niyang mangyari sa bansa.

“Ang tinatakutan ko ‘yung… just like Iraq, Syria na maraming inosenteng taong nadadali. Talagang ako’y nagdarasal. I’m praying. I really pray. Talagang lumuluhod ako sa Diyos na to spare us the kind of brutality and cruelty in our country because it will really be bloody,” dagdag ng presidente.

Ayon sa pangulo, hindi siya papayag na makapanggulo sa kanyang administrastyon ang ISIS at hindi siya magpapalugi.

 

Read more...