Duterte: Customs mas lilinis kung makapagsisibak pa ng 100 personnel

By Rhommel Balasbas August 06, 2019 - 04:17 AM

Mas magiging maayos at malinis ang Bureau of Customs (BOC) kung makakapagsibak pa si Pangulong Rodrigo Duterte ng isandaan pang kawani ng ahensya.

Sa talumpati sa oath-taking ng bagong talagang government officials sa Malacañang araw ng Lunes, sinabi ni Duterte na tinanggal niya na ang 64 na BOC personnel at kung pwede ay magsisibak pa siya ng 100.

“I just fired 64, but if I could get away with the 100 more, I think we’ll have a cleaner, a better Customs, BIR,” ayon sa pangulo.

Sinabi ng pangulo na ang 64 na siguradong tanggal na sa BOC ay nasa ahensya na sa loob ng 36 taon.

Iginiit ng presidente na noon pa mang bata pa siya sa Davao City, puro mga taga-Customs ang may mararangyang buhay at may magagandang bahay at kotse.

“Maliit pa ang Davao noon ‘yung – sa subdivision namin ang magagandang bahay…Tatay ko governor, tatay niya provincial fiscal nung governor ang tatay ko. Pero ang magagandang bahay sa subdivision namin Customs, BIR.

“Makakita ka ng magandang kotse, Customs. May bagong mga model na magdating sa Davao noon, sila ang nauuna,” dagdag ng pangulo.

Hinimok ni Duterte ang mga bagong talagang opisyal na tulungan siya sa laban kontra korapsyon.

“We cannot stamp out corruption completely. Pero ako, with the remaining years, hihirit ako nang hihirit just to keep maybe to the barest, pinaka-bare minimum and I would be happy. And I would be very thankful if you can help me,” ani Duterte.

Nais ng pangulo ng pagkakaisa upang mawakasan na ang mga sagabal para sa maayos na pamamahala sa bansa.

“Let us all work together so that we may finally end the ills that have degraded the level of governance in this country,” ayon sa pangulo.

 

TAGS: 100 pa, 64 tauhan, Bureau of Customs, maayos, malinis, Rodrigo Duterte, 100 pa, 64 tauhan, Bureau of Customs, maayos, malinis, Rodrigo Duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.