Pagbawi ng San Miguel pinaghahandaan ng TNT

By Len Montaño August 06, 2019 - 03:01 AM

Pinaghahandaan na ng TNT ang posibleng pagbawi ng San Miguel na kanilang tinalo sa Game 1 ng championship series sa PBA Commissioner’s Cup.

Ayon kay TNT Coach Bong Ravena, inaasahan na niyang babawi ang Beermen sa kanilang Game 2.

Binanggit ni Ravena posibleng pagod ang mga players ng San Miguel sa una nilang laban dahil isang araw lang ang kanilang pahinga matapos ang semi-finals sa Rain or Shine.

Tiyak ng Ka Tropa coach na babawi ang San Miguel lalo’t may sapat na silang pahinga.

Una nang sinabi ni Jayson Castro na magiging handa lamang sila sa anumang istratehiya para maging maayos pa ang kanilang susunod na mga laro.

Bukas araw ng Miyerkules ang ikalawang bakbakan sa pagitan ng dalawang koponan.

 

TAGS: babawi, Beermen, Coach Bong Ravena, Finals, Jayson Castro, Ka Tropa, pba commissioner's cup, San Miguel, TNT, babawi, Beermen, Coach Bong Ravena, Finals, Jayson Castro, Ka Tropa, pba commissioner's cup, San Miguel, TNT

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.