DOH pinag-aaralan ang pagdedeklara ng national epidemic status sa bansa dahil sa dengue

By Rhommel Balasbas August 06, 2019 - 02:39 AM

PNA photos

Pinag-aaralan ng Department of Health (DOH) ang pagdeklara ng national epidemic status dahil sa patuloy na pagtaas ng dengue cases sa bansa.

Sa pulong ni Health Sec. Francisco Duque III sa mga lokal na opisyal ng lalawigan ng Cavite, araw ng Lunes, pinalutang ang posibilidad ng pagdeklara ng national epidemic status.

Layon nitong mapigilan ang patuloy na pagtaas ng kaso ng sakit kung saan marami sa mga rehiyon ay lumampas sa epidemic threshold at ilan sa mga lalawigan at bayan ay nagdeklara na ng state of calamity.

Pero ayon kay Duque, kailangan muna itong pagpulungan kasama ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) at Office of Civil Defense (OCD).

Magugunitang noong July 15, nagdeklara ng national dengue alert ang DOH.

Sa pinakahuling tala ng DOH Epidemiology Bureau, mula January 1 hanggang July 20 ay umabot na sa 146,062 ang kaso ng dengue sa bansa.

Lampas na sa epidemic threshold ang Calabarzon, Mimaropa, Bicol Region, Western Visayas, Eastern Visayas, Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao, SOCCSKSARGEN, at ang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.

 

TAGS: Dengue, doh, epidemic threshold, Health Sec. Francisco Duque III, national epidemic status, NDRRMC, Office of Civil Defense, pagdeklara, State of Calamity, Dengue, doh, epidemic threshold, Health Sec. Francisco Duque III, national epidemic status, NDRRMC, Office of Civil Defense, pagdeklara, State of Calamity

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.