2 Japanese timbog sa pot session sa Makati

Arestado ang dalawang Japanese National matapos maaktuhang gumagamit ng marijuana sa basement ng isang gusali sa Brgy. San Lorenzo, Makati City, Lunes ng tanghali.

Ayon kay Makati Police Community Precint 5 Chief Police Captain Anthony Bagsik, nakilala ang mga suspek na sina Yohey Yamaguchi, 31 anyos at Takuya Oyagi, 41 anyos kapwa nanunuluyan sa Eton Tower.

Isinumbong sa Police Community Precinct 5 ng gwardya ng Eton ang ginagawang paghithit ng marijuana ng dalawang Japanese national.

Nakuha mula kina Yamaguchi at Oyagi ang isang nakarolyong dried marijuana, 66 piraso ng hindi pa malamang uri ng tablet, 10 piraso ng hindi pa tukoy na kapsula, 10 sachet ng hindi pa malamang cream at dalawang boteng likido.

Mahaharap ngayon ang dalawa sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

 

Read more...