Gerald itinanggi na ‘third party’ ang dahilan ng breakup nila ni Bea

By Len Montaño August 06, 2019 - 01:59 AM

Itinanggi ng aktor na si Gerald Anderson na ibang tao ang dahilan kaya naghiwalay sila ng girlfriend na si Bea Alonzo.

Sa panayam ay sinabi ni Gerald na walang sinuman na dapat sisihin sa break-up nila ng aktres.

Ayon sa binata, mga personal na isyu o mga bagay sa kanilang relasyon ang dahilan kaya naghiwalay sila ng landas ni Bea.

Bago ang kanyang pagsasalita ay sinasabing third party ang dahilan ng hiwalayan.

Ito ay matapos lumutang ang isyu ukol sa umanoy ugnayan ni Gerald kay Juliia Barretto.

Pero nang tanungin kung si Julia ang dahilan, iginiit ng aktor na walang sinuman na dahilan ng nangyari sa kanila ni Bea.

Paliwanag nito, madalas na silang mag-away ni Bea hanggang umabot sa punto na hindi na maganda sa kanilang dalawa ang kanilang relasyon.

Dumating na anya sa pagkakataon na ayawan na dahil nagkakasakitan na sila ni Bea.

Una nang sinabi ni Bea na bigla na lamang sila hindi nag-uusap ni Gerald.

Hanggang ngayon naman ay wala pang pormal na pahayag si Julia kaugnay ng pagka-link niya sa aktor.

 

TAGS: Bea Alonzo, breakup, Gerald Anderson, itinanggi, Julia Barretto, third party, Bea Alonzo, breakup, Gerald Anderson, itinanggi, Julia Barretto, third party

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.