Pagkakaroon ng pwesto ni Deputy Speaker Paolo Duterte sa NUP isinusulong

Nais ng mga miyembro ng National Unity Party na mabigyan ng posisyon sa partido si presidential son at Deputy Speaker Paolo Duterte.

Ayon kay Deputy Speaker Robie Puno, miyembro ng NUP, magkakaroon ng eleksyon ang kanilang partido sa isang hotel sa Quezon City.

Gayunman, sinabi ni NUP at House Deputy Secretary-General Brian Yamsuan, pag-aaralan nila kung maaaring mailuklok sa posisyon ang kongresista.

Ito anya ay dahil adopted member lamang ng partido si Deputy Speaker Duterte.

Aminado naman si Puno na malaking dahilan ng paglobo sa 50 ang bilang nila ngayon sa Kamara ang pagpapa-ampon sa kanila ni Duterte.

Ang kanilang bilang anya ay mula sa iba’t-ibang national at local party kung saan 12 dito ay tumalon mula sa partido ni Pangulong Duterte na PDP Laban.

 

Read more...