P13M halaga ng mga nakaw na gamit nakumpiska sa 4 na suspek sa QC

By Jong Manlapaz August 06, 2019 - 01:21 AM

PIO NCRPO photo

Arestado ang apat na katao matapos masangkot sa pagnanakaw ng iba’t ibang kagamitan sa Quezon City.

Ayon kay National Capital Region Police Office (NCRPO) Director Major General Guillermo Eleazar, naaresto sina Jimwell Bondoc, Ericu Eulogio, Pierre Lance Lansang at April Kyle Gonzales na mga miyembro ng Akyat Condo Gang.

Nakuha sa mga suspek ang mga bag, sapatos, pabango at relo na nagkakahalaga ng P13 milyon.

Maliban dito, narekober din ang hindi lisensyadong baril at pakete ng hinihinalang shabu.

Ayon kay Eleazar, nakatanggap ng reklamo ukol sa nakawan sa isang condominum sa Mother Ignacia Avenue, Brgy. South Triangle noong July 28.

Aniya, modus ng mga suspek ang pagrerenta ng isang condominium unit malapit sa unit ng biktima at saka unti-unting nanakawan ito.

Nabatid din na laging sinusundo ang suspek ng isang pulang sasakyan na may plakang WB 2516

Na-trace ng mga pulis na ang sasakyan ay pag-aari ng isang Dennis Co na umamin na siya ang pinag-iiwanan ni Bondoc ng mga nakaw na kagamitan.

Mahaharap ang mga suspek sa kasong robbery, paglabag sa Republic Act 10591 o Comprehensive law on firearms and ammunition at Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

 

TAGS: 4 na suspek, condominium, gamit, Major General Guillermo Eleazar, nakaw, NCRPO, P13M halaga, quezon city, 4 na suspek, condominium, gamit, Major General Guillermo Eleazar, nakaw, NCRPO, P13M halaga, quezon city

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.