Aprubado na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang P4.1 trillon na 2020 national budget.
Ang pag-apruba ay naganap sa 40th Cabinet meeting sa Malakanyang Lunes ng gabi.
Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, lusot na sa Pangulo at sa kanyang gabinete ang panukalang pambansang pondo para sa susunod na taon.
“We wish to inform the public that President Rodrigo Roa Duterte, together with the members of the Cabinet, approved tonight the P4.1 Trillion National Budget for Fiscal Year 2020,” ani Panelo.
Ang sektor ng edukasyon ang tatanggap ng pinakamalaking pondo sunod ang public works, transportasyon, at kalusugan.
Paliwang ng Kalihim, tutugunan ng panukalang national budget ang pangangailangan ng taumbayan kabilang ang basic services, imprastraktura, ekonomiya, edukasyon, at paglaban sa kahirapan, kurapsyon at iba pa.
Tiniyak ng Malakanyang na maayos na gagastusin ang pondo at mararamdaman ito ng publiko.