Isa pang panukalang batas laban sa endo inihain sa Kamara
Muling inihain sa Kamara ang panukalang batas para sa Security of Tenure Bill.
Base sa House Bill 3381 na inihain ng Makabayan bloc, nais ng mga ito na amyendahan ang Section 2 Article 106 ng Labor Code of the Philippines kung saan tuluyang ipagbabawal ang lahat ng uri ng kontraktuwalisasyon at fixed term employment.
Ipagbabawal rin ang direct hiring ng contractual employees.
Ang lahat ng manggagawa maliban sa mga nasa ilalim ng probationary employment ay ituturing na regular kabilang na ang seasonal employees.
Binigyang diin ng Makabayan bloc na walang ‘healthy balance’ sa usapin ng endo dahil walang benepisyo, walang proteksyon, walang pagkakataong ma-promote at kadalasang target ng diskriminasyon ang contractual workers.
Iginiit ni Bayan Muna Rep. Ferdinand Gaite na kailangang ituloy ang laban para wakasan ang kontraktuwalisasyon matapos i-veto ni Pang. Rodrigo Duterte ang ipinasang endo bill ng nakaraang 17th Congress.
Kailangan anya ang healthy balance sa pagitan ng mga manggagawa at ng management.
Nauna rito, naghain na rin ng kaparehong panukala si Cibac Rep. Bro. Eddie Villanueva bilang counterpart sa Senate Bill na inihain ng kanyang anak na si Senator Joel Villanueva.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.